ABS-CBN Fact Check
banner
abscbnfactcheck.bsky.social
ABS-CBN Fact Check
@abscbnfactcheck.bsky.social
1.5K followers 9 following 340 posts
Independent fact-checking by @news.abs-cbn.com. Help us fight disinformation. Send us dubious claims: [email protected] or https://bit.ly/abscbnfactcheck
Posts Media Videos Starter Packs
Ilang beses nang kumalat at sinuri ng ABS-CBN Fact Check ang maling impormasyon na ito tungkol sa kasong kinahaharap ng dating pangulo sa ICC. (4/4)

Basahin ang mga naunang ulat: www.abs-cbn.com/news/nation/...
www.abs-cbn.com/news/nation/...
www.abs-cbn.com
Naantala rin ang nakatakdang confirmation of charges hearing noong Sept. 23, 2025 matapos igiit ng kampo ni Duterte na siya ay hindi nasa tamang kalagayan upang humarap sa paglilitis o “not fit to stand trial.” (3/4)
Noong Oct. 28, 2025 lamang ay nagpasa pa ang kanyang kampo ng notice of appeal upang hamunin ang desisyon ng Pre-Trial Chamber I ng ICC na kinikilala ang hurisdiksyon ng ICC sa kanyang kaso. (2/4)
#ABSCBNFactCheck Rating: FALSE  

Noong Oct. 20, 2025, lumutang muli ang maling impormasyon na nakalaya na si dating Pang. Rodrigo Duterte mula sa kustodiya ng International Criminal Court. Hindi ito totoo. Sa ngayon, patuloy ang kaso niyang crimes against humanity. (1/4)

@news.abs-cbn.com
#ABSCBNFactCheck Rating: MISLEADING

Ayon sa PHIVOLCS, hindi natural na pagputok ng bulkan ang ipinapakita sa isang TikTok video na iniuugnay sa pagputok ng Bulkang Taal noong Oktubre 26, 2025.

Basahin dito ang buong ulat: www.abs-cbn.com/news/nation/...

@news.abs-cbn.com
#ABSCBNFactCheck Rating: FALSE

Hindi totoo na maglalabas ng payout ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) para sa Unconditional Cash Transfer program. Ayon sa DSWD, tapos na ang pagpapatupad ng programa noong 2020.

@news.abs-cbn.com
#ABSCBNFactCheck Rating: MISLEADING

Ang bidyong kumakalat sa social media ay kuha sa Trillion Peso March noong Sept. 21 at hindi sa protesta sa labas ng Forbes Park, Makati City noong Oct. 12.

@news.abs-cbn.com
#ABSCBNFactCheck Rating: FALSE

Hindi totoong itinalaga bilang bagong chairman ng Senate Blue Ribbon Committee si Sen. Lito Lapid, taliwas sa mga kumakalat na bidyo online.

@news.abs-cbn.com
#ABSCBNFactCheck Rating: FALSE

Ginamitan ng artificial intelligence, o AI, ang video ni Sarah Discaya upang pagmukhaing sinabi niyang ginagamit silang panakip butas ng mga pulitiko sa maanomalyang flood control projects.

@news.abs-cbn.com
#SaTotooLang, hindi pa huli ang mag-aral para kina lolo at lola! Maaari silang makakuha ng scholarship, tulong pinansyal, at iba pang benepisyo para sa pagpapatuloy ng kanilang pag-aaral.

@news.abs-cbn.com

#ElderlyFilipinoWeek
#ABSCBNFactCheck
#SaTotooLang, may mga benepisyong natatamasa sina lolo at lola sa lahat ng pampublikong transportasyon mula jeep hanggang eroplano! Para ito sa mas maayos, magaan, at ligtas nilang biyahe. 🚌✈️👵👴

@news.abs-cbn.com

#ElderlyFilipinoWeek
#ABSCBNFactCheck
#SaTotooLang, bilang pasasalamat at pagpupugay kina lolo at lola ay may espesyal na cash gift at pagkilala para sa kanila kapag umabot sila sa milestone ages lalo na kapag 100 years old! 🎉👵👴💙

@news.abs-cbn.com

#ElderlyFilipinoWeek
#ABSCBNFactCheck
#SaTotooLang, may tulong pinansyal na nakalaan para sa senior citizens bilang dagdag suporta sa kanilang pang-araw-araw na pangangailangan. 👵👴💙

@news.abs-cbn.com

#ElderlyFilipinoWeek
#ABSCBNFactCheck
#ABSCBNFactCheck Rating: MISLEADING

Ginamit ang lumang bidyo ng Oakwood Mutiny noong Hulyo 2003 upang pagmukhaing tila nagbibigay ng pahayag ang militar tungkol sa isyu ng mga maanomalyang flood control project ng Department of Public Works and Highways.

@news.abs-cbn.com
#SaTotooLang, may mga programang pumuprotekta sa kalusugan nina lolo at lola! Sa ilalim ng batas, may libre at diskwento silang dapat natatamasa sa mga serbisyong medikal. 🩺💊

@news.abs-cbn.com

#ElderlyFilipinoWeek
#ABSCBNFactCheck
#SaTotooLang, maraming benepisyo ang eksklusibo para sa ating senior citizens o mga edad 60 pataas! 👵👴

Ngayong #ElderlyFilipinoWeek, alamin at siguraduhin na natatamasa nina lolo at lola ang lahat ng kanilang karapatan at benepisyo.

@news.abs-cbn.com

#ABSCBNFactCheck
#ABSCBNFactCheck Rating: FALSE

‘Wala akong sinasabing ganyan,’ ani ABS-CBN News anchor Noli ‘Kabayan’ De Castro tungkol sa Facebook post na ipinalalabas na diumano’y dinedepensahan niya ang madugong drug war ni dating Pangulong Rodrigo Duterte.

@news.abs-cbn.com
#ABSCBNFactCheck Rating: MISLEADING

Nagkalat ang mga luma at AI-generated na bidyo na ipinagmukhang kuha sa mga kilos-protesta kontra korapsyon na ginanap sa Luneta at EDSA noong Setyembre 21, 2025.

@news.abs-cbn.com