Patrol ng Pilipino
patrolngpilipino.bsky.social
Patrol ng Pilipino
@patrolngpilipino.bsky.social
700 followers 4 following 760 posts
Anumang hamon, anumang anyo, tuloy ang pagkukuwento!
Posts Media Videos Starter Packs
⚠️Riot sa Maynila update!

Pinadalhan ng subpoena ng PNP ang ilang sangkot umano sa gulo noong Sept. 21. Pero may ilan pang tanong na hindi nasasagot matapos ang higit isang buwan.

Kumustahin ang nangyari sa mga naaresto at nasawi kasama si Karen De Guzman

PANOORIN: www.facebook.com/reel/7800985...
Ngayong ika-72 na anibersaryo ng telebisyon sa Pilipinas, samahan ang ABS-CBN News anchors na ikutan at balikan ang ilang parte ng ABS-CBN Broadcast Center--isang gusali na tumunghay sa ating kasaysayan at naging bahagi pa nito.
♥️💚💙

Panoorin:
Ang Tahanan Natin: Tour at kwento ng ilang makasaysayang parte ng ABS-CBN Broadcast Center
YouTube video by ABS-CBN News
www.youtube.com
Dalawang piso?!

Posibleng tumaas hanggang 2 piso ang presyo ng diesel sa darating na Martes, Oktubre 25. Gayundin, magkakaroon ng taas-presyo sa gasolina at kerosene.

Kapit na mga motorista, ihahatid ni Alvin Elchico ang #BusinaSaPetrolyo.

#PatrolNgPilipino
Pamilyar ba sa inyo ang mga damit na ito? O baka ikaw mismo, meron nito?

Bawat ABS-CBN shirt, may kuwento. May alaala. Makikwento tayo sa ilan nating Kapamilya kasama si Andrea Taguines! ❤️💚💙

Watch: www.facebook.com/share/v/1A4k...
Basahin:
Showtime’s sweet 16th: on set with the Philippines’ leading variety show
www.abs-cbn.com
Nagdiriwang ang “It’s Showtime” ng ika-16 anibersaryo nito!

Pero alam mo ba na mahaba-haba na rin ang naging kasaysayan ng ABS-CBN sa pagpapalabas ng mga noontime show na ating tinangkilik at kinagiliwan?

Balikan natin yan kasama sina Anjo Bagaoisan at Ganiel Krishnan.
‘SOCO’, NAGBABALIK!

Nagbabalik si Gus Abelgas kasama ang inyong mga #PatrolngPilipino sa police beat sa ‘SOCO: Scene of the Crime Operatives’.

Dadalhin nila kayo sa sentro ng imbestigasyon dahil hindi nagsisinungaling ang ebidensiya.

Mapapanood na simula October 24, 2025, 8PM sa iWant.
Matapos ang apat na dekada, saan na nga ba nakatindig ang usapin ukol sa Bataan Nuclear Power Plant?

'Yan at ang iba't ibang isyung kaugnay nito ang hinimay sa dokumentaryo ni Jeff Canoy na "Mothballed: The Bataan Nuclear Power Plant, 40 Years Later."
SOCO: THE PODCAST EDITION

Ang nag-iisang Gus Abelgas kasama ang police beat reporters ng ABS-CBN News.

Kilalanin sila at alamin ang kanilang karanasan sa pag-cover ng iba’t ibang krimen sa episode 1 ng “SOCO: The Podcast Edition”.
Kaugnay na balita:
Lacson says reaccepting Blue Ribbon chairmanship may have consequences on Senate Majority
www.abs-cbn.com
Kilala ang Senate Blue Ribbon bilang kumiteng nag-iimbestiga sa mga pinamalaking anomalya’t iskandalo sa pulitika ng bansa. 

Pero mahigit apat na buwan ng 20th Congress, hindi pa rin tiyak kung sino ang magiging bagong chairman nito.
Tumatakbo… para sa katotohanan?! 🏃🏻🏃🏽‍♀️💨



Nagiging maaksyon ang pagbantay ng media sa tanggapan ng ICI lalo tuwing may nagdadatingang bisita. Bakit nga ba?


Makitakbo kasama ni Johnson Manabat sa mga nagco-cover sa imbestigasyon sa mga maanomalyang proyekto.
Paano nga ba hinarap ng isang komunidad ang pighating dulot ng pagkawasak at pagkamatay?

Tunay ngang "Grief Takes A Village” sa kwento ng komunidad na bagama't pinadapa ng malakas na lindol ay isang komunidad din na babangon at haharap tungo sa panibagong bukas.